Partial and Official Result. For more information, see MEDAL TALLY here.

 

Damo, hari sa triple jump

Kinabahan  sa ikalimang lundag sa triple jump elementary boys si John Michael Damo ng Apayao Eagles matapos malampasan ng Benguet Stingers ang pang apat nitong talon na may layong 9.17 metro kumpara sa  kanyang talon na may layong 9.44 metro. 
Aniya, lalo pang bumilis ang pagtibok ng kanyang dibdib  nang sumunod na humataw ang Ifugao bulls na nakapagtala ng 9.60 metrong layo sa ikalimang pagtalon niya na may layong .43 metrong pagitan.
Gayunpaman, nagpakatatag at nagtiwala si Damo sa kanyang sarili na malalagpasan niya ang dalawang jumpers na lumamang sa kanyang record.

Pausto, pumatak ang luha sa oval

Napaluha sa galak ang discus thrower ng Ifugao bulls matapos makapaglista ng pinakamagandang tira sa huling paghagis niya ng discuss, elementary girls para sa ikalawang huling laro ng araw para sa mga athletics.
Hindi inaasahan ni Robeliza Pausto ang magandang hagis niya sa huling pagkakataon matapos mabigo sa kanyang ika-apat na tira. 
Pinasimangot niya ang Mt. Province brave mountaineer na una nang natuwa matapos makapagtala ng 23.45 metrong layo sa ika-lima niyang hagis.

Apayao Eagles namayagpag sa discus throw secondary boys

Pinalipad na tila Agila ng Apayao throwers ang discus na may bigat isang kilo’t kalahati para sa secondary boys level na umabot sa  layong 36.97 metro mula sa base kahapon, February 28.
Pinatunayan ni John Mark Solimen na may ibubuga sa paghagis ng discuss ang mga Iyapayao matapos malampasan ang tansong medalya niya noong nakaraang taon.
Napangiti ang kanyang Coach na si Donie Rey Cruz matapos malampasan ang 31.95 metrong layong pinakawalan ni Teonario Santiban ng Benguet Stinger. 

Abra stallion Di-nagpakabog sa long jump secondary girls

Nagpakitang gilas muli ang dating palaro qualifier ng Abra stallion matapos magtala ng pataas na marka sa unang tatlong lundag niya, 4.47 metro, 4.56 metro at 4.64 metro, February 28.
Sinikap pa niya itong mapataas sa ikaapat at ikalima niyang lundag na  nagtala ng layong 4.62 metro. at 4.64 metro.
Maliit man si Sunshine O. Awingan kumpara sa kanyang mga kalaban, nanaig parin ang kompyansa niya sa kanyang sarili.
Ayon sa kanya, inaalay niya ang kanyang tagumpay sa kanyang mga magulang na nagsilbing inspirasyon sa pagkamit niya ng gintong medalya. 

Tabuk city brewers nagtala ng 6.16 metro sa long jump

Itinudo ni Alexander Orro ang kanyang buong lakas sa huling lundag niya sa elimination round na umakyat sa layong 6.16 metro pagkatapos  magkamali sa unang lundag nito.
Nagtala ng layong 5.88 metro, 5.91 metro at fault sa kanyang huling mga lundag sa final round.
Nanaig parin si Orro sapagkat kinapos ng .04 metro ang Abra Stallion sa panlima nitong talun na naglista ng layong 6.12 metro.
Pumangatlo lamang ang Benguet stingers na pumangalawa sa elimination round na nakapaglista ng layong 5.90 metro.
-    Roy Albert V. Rillo
 

Balyao, reyna ng lundagan

Inungusan ni Ezekiel Balyao ng Apayao Eagles ang jumper ng Tabuk ng .25 metro na nagtala ng layong 4.22 metro sa kasagsagan ng matinding init sa larong high jump elementary level sa jumping pit ng Eco Tourism Sports Complex, February 28.
Kinabahan si Balyao sa pangatlong talon ng Kalinga na may layong 3.91 na sinundan ng Tabuk na may layong 3.97 metro.
Sa huling pagkakataon binuhos ni Balyao ang kanyang huling lundag na naglista ng pinakamalayong lundag sa kanyang final jump.

AGILA PUMAIMBULOG

3 on 3 Basketball W ( 15-9)
          Inilipad ng Agila ang Bubuyog sa isang mainit at mabilisang bakbakan sa basketball 3 on 3 (15-9 )na ginanap sa napakabago at makintab na court ng MBVJR noong Pebrero 28 , 2019.
          Sa mga mabibilis, maliliksing kilos sa trapping , assist , lay-ups  ni Baletbet ,  cross-over ,lay-ups at steals ni Lappas at ang mga rebounds at shooting power ni Pedronan ang tuluyang nambalido sa depensa ng mga Bubuyog at tuluyang tinangay na parang ipo-ipo ang kalamangan 15-9.

Pages

Subscribe to The Fearless Highlanders RSS