Benguet, kampeon sa Bocce Single Boys

Ni Brendalyn A. Vidad

    Nagkampeon ang Benguet sa larong Bocce Single (Boys) na ginanap sa Dagupan Elementary School nitong Pebrero 28 ng umaga.
    Si Marc Denter Mayumes ang napili mula sa apat na manlalaro ng Bocce ng Benguet na sumali sa larong ito.
    Una munang naglaban sina Mark Jose Gramaje ng Tabuk City at Edmark Garcia ng Baguio City. Tinalo ni Gramaje si Garcia, 9-3.
    Kinaharap naman ni Garcia si Mayumes. Una mang nakapuntos si Garcia pero dahil sa mahusay na istratehiya ni Mayumes, nailayo niya ang iskor at nakagawa siya ng limang puntos. Kaya’t natapos ang laro na hindi na nakabawi pa si Garcia, 5-2.
    Dalawang beses nang natalo si Garcia ng Baguio City kaya’t sina Mayumes ng Benguet at Gramaje ng Tabuk City ang nagharap para sa kampeonatong laro.
    Sa unang pagpapagulong ni Gramaje ng bola, hindi niya masyadong nakontrol kaya medyo lumayo ang bola niya sa target ball. Sumunod na nagpagulong si Mayumes, mas malapit kaya sa sumunod niyang pagpapagulong, hinusayan niya ito. Hindi naman nawalan ng pag-asa si Gramaje dahil simula pa lang naman ng laban. Nagawa niyang banggain ang target ball kaya lumayo ito sa bola ng kalaban. Mayroon pa namang natitirang bola si Mayumes kaya nang siya ang sumunod  pinag-isipan muna niya kung paano pagugulungin ang bola. Masuwerte naman siya dahil napalapit niya ito sa target ball. Siya ang unang nakagawa ng puntos.
    Nagpatuloy ang laban. Sunud-sunod ang paglikom ng puntos ni Mayumes. Wala pang nagagawang iskor si Gramaje hanggang umabot na sa iskor na 9-0. Napaiyak na si Gramaje dahil wala pa siyang iskor. Tumalikod na siya at tuluyang umurong. Agad namang dinamayan ng kanyang coach na si Lilineth Ludines. Kinausap at inalo niya. Saglit na itinigil ang laro upang pakalmahin si Gramaje. Nang mapakalma  na siya, itinuloy ang laban. Wala pa rin siyang nagawa. Nagpatuloy naman si Mayumes sa pagpapakita ng kanyang husay sa pagkontrol ng bola kaya di na niya binigyan ng pagkakataon pa si Gramaje na makapuntos. At tuluyang ikinandado ni Mayumes ang iskor sa 12-0.
    Si Marc Denter Mayumes ay 16 taong gulang, Grade 7- lebel 1. Ang batang ito ay kabilang sa mga batang may espesyal na pangangailangan o Learners’ with Special Educational Needs(LSENS).
 

Add new comment

Filtered HTML

  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <blockquote> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd>
  • Lines and paragraphs break automatically.

Plain text

  • No HTML tags allowed.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Lines and paragraphs break automatically.