Benguet, pinagharian ang round 1 sa Modified Team Events sa Table Tennis
“Aim for gold.” “Bring back the throne.” Ito ang inaasam ni Jheavin Manzano,atleta ng Baguio.
Nagpakitang gilas ang koponan ng Benguet sa katatapos na Modified Team Events round 1 ng Table Tennis ng Elementarya at Sekundarya na naganap sa University of Baguio Gym, ika-5 ng Pebrero.Sa iskor na 2-1,pinataob ng mga atleta ng Benguet, elementary boys division ang mga manlalaro ng Mt.Province. Di rin nagpadaig ang koponan ng mga babae sa elementarya, 2-1 laban sa Apayao.Pinantayan din ng mga manlalarong lalaki at babae sa sekundarya ang mga nakababatang atleta ng kanilang delegason ang kanilang kahusayan sa pagspin ng bola.Sa iskor na 2-1 kontra Mt.Province, naipanalo ng Benguet Secondary girls division ang unang round. 2-1 rin sa boys division laban sa Ifugao.Ayon kay Jumer Lictao, Benguet coach ng koponan ng mga babae sa sekundarya, nagkaroon sila ng dalawang linggong ensayo bago sumabak sa CARRAA meet para lalong mapahusay at makondisyon ang kanilang mga atleta.Malaking tulong din ang suporta ng mga magulang at disiplina sa sarili, mula pa rin kay Lictao.Magtutuloy-tuloy ang kompetisyon para sa round 2 at 3 sa Modified Team Eventshanggang mamayang hapon , ayon kay Richard Coytop, overall tournament manager ng table tennis.
-Winnie S. Gallano