Add new comment

CARAA sa puso ng isang atleta

             Ika-2 ng hapon nang maglibot ako sa kaparangan ng Divine Word College of Bangued. Sa bahaging likod ng kampus, bumungad sa aking mga mata ang mga batang atletang matiyagang nag-aayos ng mga nilalabhang damit na pinamahayan na ng kani-kanilang mga pawis. Sa aking pagmamasid ay naisip kong narito ang mga atletang ito na piniling mawalay sa kani-kanilang mga pamilya upang makapagbigay karanglan sa kinakatawang probinsiya o siyudad.

             Narito ang mga atletang ito upang makipagsapalaran na makasungkit ng ginto upang maiuwi ang tagumpay sa kani-kanilang mga tahanan. Mga batang atletang piniling matulog na hindi kapiling ang mapagsuyong hele ng isa ina o nang makapagkalingang gabay ng isang ama. Ang lahat ng ito ay para sa karangalang inaasam.

Karamihan sa kanila marahil ay bagito pa lamang sa larangan ng palakasan sa CARAA ngunit marahil ang iba ay sanay na sa mga ganitong sitwasyon. Magkagayunman, hindi pa rin maipagkakaila na higit na malakas ang hatak sa puso na makapagmedalya kaya naman tinitiis ang pangugulila sa mga naiwang pamilya at kaibigan sa kanilang lugar.

Nakatutuwa ding isipin na karamihan sa mga atletang ito ay hindi ito ang unang pagkakataon na makatapak sa Abra kung kaya naman hindi sumagi sa kanilang isipan na hindi na tumuloy sa kabila ng napakaraming balitang ipinupukol sa probinsiya.

Nakita ko sa kanilang mga mata ang labis na kasiyahan. Sa kabila nito, hindi rin nila maikukubli ang tila kislap ng lungkot na tila ba mayroong hinahanap-hanap. Marahil sila yaong nabigong makapag-uwi ng medalya o baka sila yaong nakapag-uwi ng ng medalya at nagnanais sanang mamasyal ngunit hindi napayagan. Magkagayunman, batid ko na sa puso ng bawat atletang ito ay nagkakanlong ang isang pangarap na makatuntong sa Palarong Pambansa.

Karamihan din marahil sa mga atletang ito ay nangangarap na maging tuntungan ang CARAA upang mapansin ng mga unibersidad at mabigyan ng scholarship. Ang iba sa kanila sadyang nais lamang mapaunlad ang kasanayan at kahusayan bilang atleta upang makapaghanda sa pipiliing karera sa hinaharap.

Ang batang atletang ito ay halimbawa ng mga nilalang na hinaharap ang anumang pagsubok upang maabot ang mga hinahangad na pangarap ng kanilang buhay. Ang kanilang determinasyon na bumawi mula sa pagkatalo ay sumasalamin sa pagiging positibo lagi sa buhay. Ang kanilang magalang na pakikipag-usap kahit sa hindi niya kakilala ay nagpapahiwatig ng kagandahang asal na dapat malinang sa bawat atletang Pilipino. Higit sa lahat, ang aktibo at mahusay nilang pagganap sa kanilang obligasyon bilang isang manlalaro ay nagpapatunay na ang mga batang atletang tulad nila ay dapat pinupuri at ipinagmamalaki

Nalulungkot man at nangungulila sila sa kanilang mga magulang, masaya naman nilang nilalahukan ang CARAA 2018 kaakibat ang pusong puno ng pag-asa kasama ang kanilang mga kaibigan at coach. Sa ganitong paraan mailalarawan ang CARAA sa puso ng mga batang atleta.  (JANREY P. PACIO)

 

Filtered HTML

  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <blockquote> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd>
  • Lines and paragraphs break automatically.

Plain text

  • No HTML tags allowed.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Lines and paragraphs break automatically.