AGILA PUMAIMBULOG
3 on 3 Basketball W ( 15-9)
Inilipad ng Agila ang Bubuyog sa isang mainit at mabilisang bakbakan sa basketball 3 on 3 (15-9 )na ginanap sa napakabago at makintab na court ng MBVJR noong Pebrero 28 , 2019.
Sa mga mabibilis, maliliksing kilos sa trapping , assist , lay-ups ni Baletbet , cross-over ,lay-ups at steals ni Lappas at ang mga rebounds at shooting power ni Pedronan ang tuluyang nambalido sa depensa ng mga Bubuyog at tuluyang tinangay na parang ipo-ipo ang kalamangan 15-9.
Samantalang sa 3 on 3 Basketball Men ,Tinangay din ng mabilisang kilos, liksi at galaw ng koponan ng Agila ang panalo sa mga Ifugao. 21-18
Determinadong makalipad at manalo sina Nabora , Aribbay , Morales at si Yapan kaya pinairal nila ang katapangan at katatagan sa pakikipagsabayan sa paglundag para sa rebounds , follow up shoots at mga assists na siyang tumulong upang Manalo sila. (Suzelle C. Enciso)