Nagpakitang gilas muli ang dating palaro qualifier ng Abra stallion matapos magtala ng pataas na marka sa unang tatlong lundag niya, 4.47 metro, 4.56 metro at 4.64 metro, February 28.
Sinikap pa niya itong mapataas sa ikaapat at ikalima niyang lundag na nagtala ng layong 4.62 metro. at 4.64 metro.
Maliit man si Sunshine O. Awingan kumpara sa kanyang mga kalaban, nanaig parin ang kompyansa niya sa kanyang sarili.
Ayon sa kanya, inaalay niya ang kanyang tagumpay sa kanyang mga magulang na nagsilbing inspirasyon sa pagkamit niya ng gintong medalya.
“Sulit ang tatlong buwang pagsasanay”, dagdag niya.
Naikwento rin niya na nakapag uwi siya ng isang ginto at tanso sa nakaraang taon sa 4 x 1 relay at triple jump.
Nabuhayan naman ng loob ang jumper ng Baguio e-lions matapos makapasok sa magic 8 na nakapaglista lamang ng isang marka na may layong 4.49 metro. Dinaig pa niya ang ilang mga mananalon na pumwesto sa pangatlong rangko.
Naitala ang best jump niya sa ikaapat na pagkakataon na siyang nagbigay ng .6 metrong agwat sa jumper ng Mt. Province brave mountaineers na nakapaglista ng 4.51 metro.
-Roy Albert V. Rillo