Inungusan ni Ezekiel Balyao ng Apayao Eagles ang jumper ng Tabuk ng .25 metro na nagtala ng layong 4.22 metro sa kasagsagan ng matinding init sa larong high jump elementary level sa jumping pit ng Eco Tourism Sports Complex, February 28.
Kinabahan si Balyao sa pangatlong talon ng Kalinga na may layong 3.91 na sinundan ng Tabuk na may layong 3.97 metro.
Sa huling pagkakataon binuhos ni Balyao ang kanyang huling lundag na naglista ng pinakamalayong lundag sa kanyang final jump.
“Siya ay volleyball player din pero mas pinagtuunan niya ang athletics”, ani ni Coach Rodolfo Baleros.
“May potential kasi siya sa athletics kaya hindi na namin siya pinakawalan”, dagdag ni Coach Dicktimo Bawalan.
-Roy Albert V. Rillo