Mar
02
2019
0
By admin
Ang atleta ng probinsya ng Kalinga na si Paul Nikko M. Dalowog ay nagtala ng bagong record sa kasaysayan ng CARAA sa larong Shot Put, 12.31 metro sa katatapos na CARAA 2019 na ginanap sa Apayao Athletic Bowl, Luna, Apayao noong February 27-March 2.
Ang 17 taong gulang na si Dalowog na mula sa bayan ng Pinukpuk ay nakasungkit din ng bronze metal sa Discus Throw.
Ayon sa manlalaro, ang kanyang naging sandata para makamtam ang tagumpay ay ang palagiang pag-eensayo. “Siya ay may disiplina sa sarili,” dagdag pa ng kanyang coach na si Aleta Vilog. (Johny Macababbad)