Mga Tunay na Lodi at Petmalu

April Love Joy A. Rillo at Fevie Janine Illustrado 

 

Sa isports, kadalasang tinitingala ng mga manonood ang mga naglalakasang atleta. Iyon bang tinatawag nilang “ACE PLAYERS” kung saan ‘pag sa basketball iyon bang walang palya sa mga tira, 100% walang mintis. Subalit, sa totoo lang, sa likod ng bawat magagaling na atleta ay mga taong mas dapat pang hangaan na hindi lang napapansin. 

Sa totoo lang walang magaling na manlalaro kung walang coach na responsable na matiyaga at masipag na nagsasakripisyo ng kanilang oras para matutukan ang pag- eensayo ng kanilang mga manlalaro. Si coach na nasa bench tuwing laro, si coach na mas maaga pa sa call time ng training, si coach na walang sawang nagbabantay at nagsasakripisyo at higit sa lahat si coach na siyang nagsanay sa inyo mula noong walang-wala ka hanggang sa nagkasilbi ka. Tunay, walang mintis at walang duda, si coach ay LODI at PETMALU kahit pa tila para sa INVISIBLE at mga multo na nandiyan pero hindi lang napapansin. Kahit gaano pa kagaling ang mga atleta kung walang responsableng coach, wala sila kaya dapat ding pasalamatan at gantimpalaan si coach tulad ng paggantimpala sa mga manlalaro. 

Kung ang coach ang nagsisilbing tagapagsanay na dapat pasalamatan, tulad nila dapat din silang pasalamatan at papurihan dahil Malaki ang ambag nila sa tagumpay ng isang atleta. Sina nanay at tatay na walang sawang sumusuporta sa kanilang mga anak, sina nanay at tatay na ipinagluluto ka ng makakain at kumakayod upang maibigay ang pangangailangan ng kanilang mga anak sa paglalaro, sina nanay at tatay na nagbigay sa iyo ng buhay at higit sa lahat sina nanay at tatay na naging solid fan sa mga laro. Malaki rin ang ambag ng ating mga magulang sa kung ano tayo ngayon kaya tulad ni coach dapat din natin silang bigyan ng pasasalamat dahil puyat, pagod at pawis din ang kanilang puhunan upang masuportahan lang tayo sa ting mga pangarap. 

Maraming mga kinakasangkapan ang Diyos upang matulungan tayong mga atleta, kaya dapat pagbutihin natin an gating paglalaro at matututo tayong magpahalaga sa mga taong Malaki ang tulong sa atin. Huwag maging matigas ang ulo bagkus ay maging masunurin dahil isa sa magandang ugaling dapat taglayin ng isang atleta upang makapagtagumpay ay ang pagiging masunurin.
 

Add new comment

Filtered HTML

  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <blockquote> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd>
  • Lines and paragraphs break automatically.

Plain text

  • No HTML tags allowed.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Lines and paragraphs break automatically.