Apayao Eagles nagreyna sa Womens Artistic Gymnastics

          Muling pinatunayan ng Apayao ang kanilang galing matapos magreyna sa Womens Artistic Gymnastics at nakasungkit ng apat na medalya sa Floor Exercise at Balance Beam na ginanap sa Flora,Apayao noong ika-28 ng Pebrero.

          Inangkin ni Marian Martin ng Apayao ang dalawang ginto matapos manalo sa cluster 2 floor exercise na nakaiskor ng 11.37 at balance beam sa iskor na 10.17.

          Hindi rin nagpatalo ang Baguio matapos makapag-uwi ng dalawang gintong medalya sa floor exercise cluster 1 at cluster 3.

          Dinurog ng pinong pino ng Apayao ang ibang kalahok matapos mapasakamay ang tatlong ginto sa Balance Beam.
  
          Bumida naman ang magkapatid na sina Jesreal Pacoy at Zyreal Pacoy sa balance beam matapos pataobin ang kalaban at mapasakamay ang dalawang gintong medalya sa cluster 1 at 3. (Jacqueline Tomas)
 

Add new comment

Filtered HTML

  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <blockquote> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd>
  • Lines and paragraphs break automatically.

Plain text

  • No HTML tags allowed.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Lines and paragraphs break automatically.